Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala kung gaano kahalaga ang nutrisyon sa ating kalusugan ngunit naiintindihan nga ba talaga natin ang ibig nitong sabihin? Masasabi mo ba sa sarili mo na “malusog ako, makakaya kong gawin ang kahit ano” o kaya naman ay “masaya ako sa pangangatawan ko”? ang wastong nutrisyon ay ang tanging paraan upang ang mga ito ay ating makamtan.Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo sa sakit, na sa tamang timbang, at higit sa lahat nabubuhay ng masaya at masagana. ang hindi pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.Maraming klasi ng malnutrisyon, ito ay ang mga epekto ng mali sukat at uri ng pagkaing kinakain ito ay mula sa salitang “mal” ibig sabihin ay mali at “nutrition” ibig sabihin ay sustansya mula sa pagkain, sa madaling salita ito ay ang kabalikataran ng wastong nutrisyon. Ang mga nangunguna sa mga ito ay ang pagiging mapayat dahil sa kakulangan sa pagkain, kulang sa bitamina at mineral dahil sa pagkain ng paulit-ulit ng isang pagkain na siyang dahilan kaya hindi na kumakain ng ibang pagkain, at ang umaapekto sa mga nakararami ay ang pagiging mataba na siyang resulta ng pagkain ng sobra sobrang pagkain. Lahat ng ito ay may masamang epekto sa katawan kaya dapat nating iwasan. Lagging isipin ang wastong nutrisyon ay may malaking epekto sa kalusogan at siyang susi sa kaunlaran. At isa sa susi upang makamit ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng “GULAY”. Ang mga gulay ay mga pagkaing halaman o mga bunga , ugat at dahon ng mga halaman na maaaring lutuin at kainin .Pero ito ang pinakaunang pumapasok sa isip naten ukol dito “Bakit natin kailangang kumain ng gulay?” Sapat na ba ito para sa pangangailangan ng ating katawan at para na ring mapanatili ito sa malusog na kundisyon nito? Ano-ano ang mga benepisyong makukuha natin sa pagkain nito araw-araw? Alam naman ng lahat na ang gulay ay masustansiya pero madaming pa ring mga bata ang ayaw kumain nito. Hindi lang ang mga kabataan, pati na rin ang matatanda. Bakit? Nangungunang sagot dito ang: Hindi magandang lasa. Ang mga bata ay mahihilig kumain ng mga pagkaing matatamis, maaalat, at junk foods (Nakapagtataka dahil pag titignan ang mga pakete ng mga junk foods ay aprubado ng Department of Health pero dini-discourage ang pagkain ng mga bata rito). Yung mga gulay na ayon nga sa dahilan kung bakit ayaw nila ito ay dahil mapait ang lasa ng ilang uri ng gulay. Kinakailangan pa ng mahabang proseso para masanay silang kainin ito. Maaaring nagkukulang ang mga magulang sa pagsasanay at paghihikayat na kumain ng ganitong uri ng pagkain.
1. Ang pagkain ng masustansiyang gulay ay nakakabawas ng tsansang magkaroon ng cancer. Cruciferous na gulay ay nagtataglay ng bitamina, mineral, at ibang nutrients na tinatawag na glucosinolates. Ang glucosinolates ay napatunayan ng mga dalubhasa na mainam na pang-iwas sa cancer. Ang compounds na ito ay napatunayan na may epekto sa pagbawas ng cell cancer ng hayop at tao.
Masustansiyang Gulay Pagkilala Sa Kanilang Nutrisyon At Kabutihan title=Bakit Mahalaga Ang Pagkain Ng Prutas At Gulay? style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQmZfrZjAt71gydxL0WsJK2wsH-4W7IOx4JUlqOskK1naxkkV2CJ8Q3DjRSIFfFth98IXs&usqp=CAU'; />
2. Ang pagkain ng masustansiyang gulay nakakabawas ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang gulay ay nagtataglay ng mga micronutrients na tumutulong sa puso na gumana ng maayos.
Filipino Reader (akademik) V.1
3. Ang gulay ay mainam na pinagmumulan ng fiber na tumutulong upang makaiwas sa panganib dulot ng obesity at type 2 diabetes. Ang gulay ay nagtataglay ng mga bitamina at nutrients na pumipigil sa mga sakit na nagreresulta sa pagkakaroon ng diabetes.
4. Mainam din itong alternatibong pagkain sa mga taong nais bumaba ang kolesterol. Isa itong magandang alternatibong pagkain sa mga taong mataas ang kolesÂterol upang makaiwas sa sakit dulot ng kolesteol. Ang gulay ay mababa sa carbohydrate at mababa rin ang sugar content na nagpapataas ng timbang ng isang tao.
Bagama’t ang gulay ay may kapaitan hindi ibig sabihin nito na hindi dapat natin itong ihain sa hapagkainan.Ayon sa mga nutritionists at dieticians, malaki ang posibilidad na maging masama ang pangangatawan ng isang tao (hindi lang bata) kapag hindi siya kumakain ng gulay. Napakalaki ng posibilidad at samu’t-saring panganib na magkaroon ang isang tao ng cancer, sakit sa puso, diabetes, blood sugar levels, at ang pasikat na “MALNUTRISYON”, lalo na ang mga taong mahilig uminom ng alak, manigarilyo, at gawin ilan pang paraan ng bisyo na hindi naman nasusuklian ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.Hindi ka mamamatay kapag kumain ka ng gulay. Mas papahabain pa nito ang buhay mo sa murang halaga at abot-kaya pa ng mga bitin sa budget.Ang mga green leafy at yellow vegetables o berdeng madahon at madilaw na gulay ay mayaman sa beta-carotene. Ang sariwa at katamtamang luto na mga berdeng madahong gulay ay pinagmumulan ng vitamin C, iron, calcium, dietary fiber, folic acid, vitamin E, at ilang phytochemicals.Yun namang di madahong gulay tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya ay nakadaragdag ng dietary fiber, iron at B-complex vitamins.Kaya mahalaga talaga ang regular na pagkain ng mga gulay dahil nakatutulong ito sa pag-iwas sa vitamin A deficiency disorders o VADD na isa sa mga laganap na uri ng malnutrisyon sa Pilipinas.Pwede ding magtanim nito sa inyong mga bakuran sa kanya-kanyang bahay at madali lang ito palaguin. Maaaring isangkap rin ito sa iba’t-ibang rekados ng mga pagkain.Ang sustansyang naidudulot ng gulay napakahalaga sa ating buhay kung kaya’t nararapat na ito ay ugaliing kainin.Sanayin sila habang maaga pa. Ang mga matatanda ay nararapat na paliwanagan at hikayating kumain ng mga gulay, at di magtatagal ay magugustuhan nila ito at kapag nakagawian na nila ito, ang kumain ng gulay na ihahain araw-araw, magkakaroon sila ng malakas na pangangatawan, at malinaw na pag-iisip, makakapag-aral mabuti, makakapag-isip ng mabuti, makakapagtrabaho ng maayos, mabubuhay ng maayos, walang sagabal, solb ang problema ng bansa. Kung maayos ang pag-iisip, walang mahirap. Lahat may maunlad na buhay.Mula sa simpleng paghahain at pagkain nito araw-araw, malaking tulong na din yun para sa ikauunlad ng bansa. Sabayan pa ng prutas. Ahhaayy! Tiyak akong masigla sa pag pasok sa eskwelahan ang mga chikiting at masiglang makakapagtrabaho sina nanay at tatay.Kung maghihintayan tayong may magsisimula ng ganitong tradisyon, isang napakahabang panahon pa ang hihintayin natin para sa pagpanatili ng maayos na pangangatawan ng mga bata at matatanda. Kung sisimulan natin sa sarili nating kaparaanan at ipapauso ang paghahain nito araw-araw ay magiging asal na ng lahat ang kumain nito at di magtatagal, lahat ng taong makakasalubong natin ay masigla at malusog.We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Oh My Gulay (wastong Nutrisyon)
Nutrition Month nanaman mga Rite Mommies! Sa ika-44 na taon ng pagdiriwang ng Nutrition Month o Buwan ng Nutrisyon, ang napiling tema ay “Ugaliing magtanim, Sapat na nutisyon aanihin!” Layunin ng ng National Nutrition Council na turuan ang mga bata ng kahalagahan ng pagtatanim at kung paano ito makakatulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.
Ang pagkain ng prutas at gulay ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay satin ng iba’t-ibang vitamins at mineral o ang tinatawag na micronutrients. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng sapat na prutas at gulay ay nakakatulong sap ag-iwas ng maraming uri ng sakit, tulad ng cardiovascular diseases at cancer. May mga gulay rin na nakakatulng sa pagpapabuti ng gastrointestinal health at nagpapalinaw ng mata. Ngunit ano nga ba ang sapat na dami ng prutas at gulay na kailangan kainin para maging healthy ang mga kids?

Noong 2012, naglabas ang Department of Science and Technology (DOST) ng mas bagong Food Pyramid o Daily Nutritional Guide Pyramid. Layunin ng DOST ang masigurado na magkakaroon ng balanced diet ang mga Pilipino para makakuha tayo ng tamanagn nutrisyon mula sa mga pagkain. Mayroong iba’t-ibang pyramid o food guide depende sa edad. Para sa article na ito, magfofocus tayo sa food pyramid para sa mga toddlers (o mga batang may edad 1 hanggang 6) at mga kids (o mga batang may edad 7 hanggang 12).
Dmc Harvesting Learning Materials In Esp Grades 7 To 10
Kung makikita sa larawan sa itaas, ang prutas at gulay ay nasa ikatlong baiting ng food pyramid. Ang ibig saabihin nito ay ang prutas at gulay ay ang ikatlong pinakaraming pagkain na dapat kainin. Nangunguna ang paginom ng tubig kung saan kailangan uminom ng 4 hanggang 7 baso ng tubig kada araw ang ating mga toddlers. Pangalawa naman ang pagkain ng mga pagkain mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, at mga root crops (halimbawa: kamote at mais).

Pagdating sa gulay, rinerekomenda na kumain ng isang serving (1/2 cup) ng cooked leafy vegetable at isang serving (1/2) ng ibang gulay. Halimbawa ng leafy vegetable ay ang mga sumusunod: cabbage, lettuce, malunggay, pechay, at talbos ng kamote. Kabilang naman sa ibang gulay ay ang carrots, eggplant o talong, sayote at kalabasa.
Para sa fruits, payo ng DOST na pakainin ang ating mga anak na may edad 1-6 yeard old ng isang serving o medium-sized na prutas na mayaman sa Vitamin C tulad ng guava, pineapple, kiwi, papaya, mangoes, at orange. Bigyan din sila ng isang serving o

Mabalisang Gabay Sa Pagkain
Kung makikita sa larawan sa itaas, ang prutas at gulay ay nasa ikatlong baiting ng food pyramid. Ang ibig saabihin nito ay ang prutas at gulay ay ang ikatlong pinakaraming pagkain na dapat kainin. Nangunguna ang paginom ng tubig kung saan kailangan uminom ng 4 hanggang 7 baso ng tubig kada araw ang ating mga toddlers. Pangalawa naman ang pagkain ng mga pagkain mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, at mga root crops (halimbawa: kamote at mais).

Pagdating sa gulay, rinerekomenda na kumain ng isang serving (1/2 cup) ng cooked leafy vegetable at isang serving (1/2) ng ibang gulay. Halimbawa ng leafy vegetable ay ang mga sumusunod: cabbage, lettuce, malunggay, pechay, at talbos ng kamote. Kabilang naman sa ibang gulay ay ang carrots, eggplant o talong, sayote at kalabasa.
Para sa fruits, payo ng DOST na pakainin ang ating mga anak na may edad 1-6 yeard old ng isang serving o medium-sized na prutas na mayaman sa Vitamin C tulad ng guava, pineapple, kiwi, papaya, mangoes, at orange. Bigyan din sila ng isang serving o

Tidak ada komentar