Social Items

Magulang Gabay sa Pagpapalaki at Pagtuturo sa Kabutihan

Magulang Gabay sa Pagpapalaki at Pagtuturo sa Kabutihan

Ang paggawa ng kabutihan ay magdudulot ng kasaganaan sa mundo at sa ating pagkatao. Subukang ituro ang ilang random acts of kindness sa iyong pamilya.

Gusto mo bang lumaking may malasakit sa iba ang iyong anak? Narito ang ilang paraan para ituro ang paggawa ng mabuti sa kapwa.

PaggawaPagpapalaki At Pagtuturo Sa Kabutihan title=Paggawa Ng Mabuti Sa Kapwa: 11 Na Dapat Ituro Sa Mga Bata style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS_h0-2tWttYSRGJLtmQyeB7Ahrq_T6iGST6_-9FO_Q_YmDz5_iiI7RHZw_hdeJr1AGmdQ&usqp=CAU'; />

Bilang magulang, natutuwa ako kapag sinasabi ng ibang tao na matalino o bibo ang mga anak ko. Pero mas sumasaya ako kapag naririnig ko sa iba na mababait sila, o kaya may ginawa silang kabutihan sa kanilang kapwa.

Dll G5 Q2 Week 7 All Subjects (ftcabio)

Kasunod sa kanilang magandang kalusugan at kaligtasan, wala nang mas mahalaga pa sa akin kundi ang mapalaki ang mga anak ko na mabubuting tao na may malasakit sa iba.

Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay itinuturo ng ating mga magulang sa bawat henerasyon. Isa itong magandang kaugalian ng pagkikipagkapwa-tao at pagtulong sa mga nangangailangan. Nagdudulot din ito ng saya sa ating mga kalooban kaya naman dapat itong sanayin na gawin sa araw-araw.

Minsan, sa dami ng ating ginagawa, nagiging abala tayo sa pagturo sa ating anak kung paano magsulat, paano kumain, at paano maging independent na nakakalimutan na natin silang turuan kung paano maging mabuti.

Paggawa Ng Mabuti Sa Kapwa: 11 Na Dapat Ituro Sa Mga Bata

Gayundin, dahil sa mundong ginagalawan natin, inaakala ng ibang magulang na kapag tinuruan nilang maging mabait ang kanilang anak, maari itong maging isang kahinaan dahil baka pagsamantalahan siya ng iba.

Subalit ang pagtuturo ng kabutihan sa mga bata ay mahalaga. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtuturo ng kindness o paggawa ng mabuti sa kapwa ay mayroong positibong impluwensya sa academic, kalusugan at maging pakikitungo ng isang bata.

Kapag itinuturo ang pagiging mabuti sa paaralan, ang mga bata ay nagkakaroon ng mas mataas na self-esteem o pagkilala sa sarili, mas nadadagdagan ang kanilang motivation upang matuto at nababawasan ang mga kaso ng bullying at karahasan.

Kabanata 16: Pagpapalaki Ng Mga Anak Sa Liwanag At Katotohanan

Ipinapakita rin sa mga pag-aaral na ang mga batang gumagawa ng kabutihan sa kapwa ay mas nagkakaroon ng maraming kaibigan, at gumaganda ang kanilang pananaw sa buhay.

Kaya naman nakakatuwa na ayon rin sa mga bagong pag-aaral, ang mga bata sa panahon ngayon ay mas nagpapakita ng empathy o malasakit sa kapwa kaysa sa mga naunang henerasyon.

Wala nang mas maganda at mas epektibong paraan para ituro ang paggawa ng mabuti sa kapwa sa iyong anak kaysa sa pagiging mabuting halimbawa sa kaniya.

Sent Module Grade 8 Module 4

Tandaan na tayo ang unang role models ng ating mga anak. Sabi nga sa isang sikat na quote, “How we talk to our child becomes their inner voice.”

Kaya naman ang unang bagay na dapat nating gawin ay ipakita ang kabutihan at pagiging sensitibo sa damdamin ng ating kapwa. Hindi mo matuturuan ng kabutihan ang iyong anak kung alam niyang hindi maganda ang iyong pagtrato sa ibang tao.

Bukod dito, kailangan mo ring iparating ang kahalagan ng pagiging mabuti sa iyong anak. Sanayin siya na tratuhin ng may respeto ang bawat tao, anuman ang estado nito sa buhay. Halimbawa, dapat maganda ang trato niya sa kaniyang mga kaibigan, pero ganoon rin siya makitungo sa mga kasambahay.

Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 9 Unang Markahan Modyul 1: Layunin Ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Makakatulong rin kung bibigyan mo ng mga responsibilidad ang iyong anak. Hayaan siyang gumawa ng mga gawaing-bahay, o kung kaya na niya, gawin ang mga bagay na kadalasan ay ibang tao ang gumagawa tulad ng magtapon ng basura sa labas o kaya maglaba ng kaniyang damit.

Ito ay para maintindihan niya, kahit sa sandaling panahon, ang hirap na nararanasan ng iba at matutunan niyang i-appreciate at magpasalamat para sa mga bagay na mayroon siya at natatamasa niya.

Gayundin, pwede niyo ring planuhin, bilang isang pamilya, ang mga mabubuting bagay o random acts of kindness na pwede niyong gawin para sa ibang tao.

Lesson

Matapat Na Bata, Binigyan Ng Scholarship Dahil Sa Kabutihan

Malaking bagay ang naidudulot ng pagngiti sa kapwa. Nakakapagpaganda ito ng mood ng isang tao, lalo na sa umaga. Hindi ba’t mabuti kung sasanayin natin ito lagi? Simulan ito sa ating pamilya.

Kung hindi magawa ang pagngiti sa kapwa dahil naka-mask (ngayong panahon ng pandemic), pwede namang kumaway na lang at bumati ng may paggalang.

Sanayin ang sarili na bumati ng ‘Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi’ araw-araw. Subukan itong gawin sa loob ng bahay kung hindi niyo ito kadalasang ginagawa sa inyong pamilya.

Mabuting Asal Na Dapat Alam Ng Iyong Anak, Alamin

Mapupuna ang ganitong gawain sa mga empleyado ng mga restaurants, hotels, at iba pang public services. Nakakapagpasigla kasi ng mood ng isang tao ang madalas na pagbati at pag-ngiti araw-araw. Nakakawala ng bad vibes ng kapwa kapag binabati habang nakangiti.

Bigyan ng prayoridad ang mga nakatatanda, buntis at mga PWD sa mga pampublikong lugar. Paunahin sila sa pila o alalayan kapag naglalakad. Ang mga ganitong pagtulong ay malaking bagay para sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Kung ikaw ay kumakain, subukang alukin ang iba na kumain. Maaari mo ring ibahagi ang anumang kinakain mo, lalo na kung pwede naman itong i-share. Simulan ito sa mga miyembro ng pamilya hanggang sa masanay na ring mag-share sa mga kaklase, kaibigan o katrabaho.

Pagsunod At Paggalang Sa Mga Magulang, Nakatatanda

Makibahagi sa mga charity event upang makatulong sa kapwa. Maaaring tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng monetary donation, pamamahagi ng pagkain at anumang supplies.

Turuan ang iyong anak ng ganitong habit sa murang edad sa pamamagitan ng pagtanong sa kaniya kung anu-anong lumang damit o laruan ang pwede na niyang ibigay sa iba.

Module

Puwede ring mag-volunteer sa mga non-government organizations na tumutulong sa mga bahay ampunan, elderly home care, animal rescue centers, at mga rehabilitation centers.

Aralin 13: Pagtuturo Ng Mga Alituntunin Ng Ebanghelyo Sa Mga Bata (bahagi 1)

Malaki ang pangangailangan ng dugo sa ating bansa kaya naman mabuting paraan ng pagtulong sa kapwa ang pagdo-donate ng dugo sa mga blood bank kagaya ng ilippine Red Cross.

Bagama’t hindi ka pa pwedeng samahan ng iyong anak sa gawaing ito, maari mong ipaliwanag sa kaniya ang proseso at kahalagahan ng pagiging isang blood o organ donor.

Ang paggawa ng mga gawaing bahay ay hindi lamang natatapos sa loob ng iyong tahanan. Maaari mo rin itong gawin sa ibang lugar kagaya ng opisina, paaralan, o sa bahay ng ibang tao.

Pdf) Moral Na Pamantayan At Pangangatwiran Ng Mga Bata At Ina Sa Konteksto Ng Kahirapan

Simpleng kurtesiya ito ngunit malaking bagay sa ating kapwa. Ang ganitong kaugalian ay nananatili pa rin sa ating kultura kaya mainam na sanayin ang bawat miyembro ng pamilya sa pagpapanatili nito.

Ang paghingi ng tawad sa taong iyong nagawaan ng pagkakamali o nasaktan ay hindi pagpapakita na ikaw ay mahina. Pagpapakita ito na pinahahalagahan mo ang kanyang damdamin at inaamin mo ang iyong pagkakamali. Magpakumbaba at humingi ng tawad kung may nagawa kang kasalanan.

Ang pagpapasalamat ang isa sa mga pinakamasarap na maririnig mo sa iyong kapwa dahil ipinapakita lang na pinapahalagahan ng isang tao ang mabuting nagawa mo sa kanya, gaano man ito kalaki o kaliit.

Final Dll Week 1 7

Kaya nararapat lang na magpasalamat ka rin sa mabuting nagawa sa’ yo ng iyong kapwa. Mas lalong mahihikayat ang isa na gumawa lagi ng mabuti kung kinikilala ang kanyang mabubuting nagawa.

-

Turuan ang iyong anak na gumawa ng thank you notes sa mga taong tumutulong sa kaniya, gaya ng kaniyang guro. Hindi kailangang mamahalin, ang mahalaga ay taos-puso ang kaniyang pasasalamat na gagawin.

Kung may sakit ang iyong kapitbahay, puwede kang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa kaniya para hindi na niya kailangang magluto.Kapag may sakit si Lola, baka pwedeng ang anak mo na ang magdilig ng kaniyang mga halaman.

Dapat Akong Magpatawad, Pero…

Kung nakakaranas ng problema ang kaniyang kaibigan, tanungin mo ang iyong anak kung ano kayang pwede niyang gawin para sumaya ito kahit sa maliit na paraan.

“Children develop character by what they see, what they hear, and what they are repeatedly led to do. Directed practice is the most important part.”

Kaya sanayin ang iyong anak sa paggawa ng mabuti sa kapwa at gawin ito nang walang hinihintay na kapalit. Maniwala ka, hindi ito magiging kahinaan para sa kaniya, at sa halip ay makakatulong sa kaniyang pag-uugali at pakikitungo sa iba.

Etika Ng Kabutihan Ni

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Show comments
Hide comments

Tidak ada komentar