Ugali na kapag pinag-uusapan ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang “Supremo, ” nauuwi sa trahedya ng Tejeros/Naik/Maragondon. Hindi trahedya kundi ironya o kabalighuan: ang pasimunong nagtatag ng Katipunan ang pinaratangang taksil sa rebolusyon at pinaslang noong Mayo 10, 1897. Ngunit kung hindi nangyari iyon, ang katunayan ng uring ilustrado at ng tusong pagkakanulo’t paglililo (mga katagang malason sa diwa ni Balagtas) nila sa rebolusyon ay hindi umabot sa kaganapan.
Subalit ang nakagawiang pagdakila sa bayani ay hindi garantiya na hindi mauulit ang pagdaraya ng mga mapagsamantalang uri. Masdan na lang ang pagbibigay muli ng basehan sa puwersang militar ng Estados Unidos. Naulit na nga sa asasinasyon ni Antonio Luna–mistulang “repeat performance” iyon–at paglinlang kay Macario Sakay, kasama ng Supremo sa Tundo. Nakagugulat sa umpisa, ngunit kung tutuusin, mahihinuhang itinakda iyon ng mga pagkakataong umigkas na di na mapigilan. Kung hindi tayo matuto sa kasaysayan, tiyak na paparusahan tayo muli sa pagbalik ng nasugpo’t ipinagbawal dahil naroon din ang binhi ng darating, kung paglilimiin.
Kalakip Na Kasaysayan title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSMWjdjcHzXZcZ09mEhtd_qcRNMaYFsAU34j6FnpH2vHSrzIbjFXLMKnP0RjXSwDXJGg2U&usqp=CAU'; />
Gaano man kasalimuot ang sitwasyong bumabalot sa atin, may kalayaan tayong umugit sa ating kapalaran batay sa ating dunong at kakayahan. Hindi lamang tayo biktima ng mga nagsalabit na sirkumstansya’t aksidente. Ang kasalukuyang pagsisikap na pahalagahan ang buhay ni Bonifacio ay nagtataglay ng hangarin o mithiin ng kaganapan na siyang humuhubog ng mga sagisag at representasyon ng kolektibong karanasan. Kung ang radikal na politika ay praktika ng pagsasagawa ng mga inaasahang pagnanais sa daloy ng kasaysayan, at paglatag ng mga ayos ng pagbubuklod sa hinaharap, mga pagsasanib at ugnayang kailangan para sa pagbabagong malaliman at pangkalahatan, ano ang dapat gawin?
Solved] Patulong Sa Mga Nakakaalam Lang Wala Po Talagang Reference Ito Salamat
Ibaling natin ngayon ang sipat sa mga salita’t gawa ni Bonifacio na buntis sa mga maaaring mangyari. Ano ang potensiyalidad sa paghuhunos ng mga luma’t piyudal na normatibong pamantayan tungo sa isang Kaliwanagang taglay ang kasarinlang makatwiran? Makakamit ba natin ang reyalidad ng awtonomiyang may kakayahang rasyonal at makabuluhan? Sa ibang salita, maiaangat ba sa diyalektikang paraan ang puri o dangal ng indibidwal sa antas ng pagkakabuklod, solidaridad at bahaginang pangkomunidad? Ano ang papel na gagampanan ng organikong intelektuwal sa pagtatatag ng lipunan kung saan ang malayang pag-unlad ng bawat isa ay nakasalalay sa kalayaan ng buong bansa/sambayanan (natio/populus), sa taguri ni Gramsci?
Sa pagsasaliksik natin, ang pinakamahalagang simulain ay historiko-materyalismong pananaw na may diyalektikong paraan ng pag-kilatis at pag-unawa sa lipunan. Batay rito, ang kongkretong sitwasyon ng kabuhayan–ang relasyon ng mga uring nakasalig sa produksiyon ng mga pangagailangan sa buhay–ang pinakaimportante, hindi ang kamalayan ng hiwa-hiwalay na tao sa lipunang nahahati sa mga uri. Samakatwid, dapat iwasan ang palasak na analisis pangsikolohiya. Mapanligaw ang pagpapaliwanag sa anumang problemang panlipunan ayon sa karakter o katauhan ng mga indibidwal na kasangkot. Gayundin ang pagsandal sa abstraktong klima ng krisis o kaguluhan na sumisira sa anumang rasyonal na layunin ng mga aktor sa kasaysayan.
Sa pagbabalik-tanaw sa ating pambansang kasaysayan, ang kuwento tungkol sa Supremo ay nalalambungan pa rin ng samot-saring haka-haka, sumbong, chika, suplong at hinala. Marami pa ring kakutsaba ang mga kasike’t imperyalista. Isahalimbawa ang The Revolt of the Masses ni Teodoro Agoncillo. Bagamat sagana sa datos at humahanga sa KKK, sadyang lumabo ang nangyari sa sikolohikal at pang-Zeitgeist (“regionalism” at klima ng krisis noon) na lenteng itinuon ni Agoncillo sa mga karakter ng lumahok sa Tejeros, tungo sa pag-absuwelto kina Hen. Aguinaldo at mga kasapakat (1956, 293-99). Ang sikolohiya ng Supremo ang siya mismong dahilan sa kanyang pagkapatay, mungkahi ng historyador. Gumagad dito ang prehuwisyong ibinurda ni Nick Joaquin sa kaipala’y masahol na muling pagpaslang sa Supremo sa A Question of Heroes.
Fall 2011 By Kalayaan Literary Circle
Sanhi sa kolonyalismong danas na mahigit 400 dantaon (mula kolonyalismong Espanyol hanggang imperyalismong global), namihasa tayo sa burgesyang pangitain sa mundo. Makikita ito sa pop-sikolohiyang lapit ni Joaquin, makitid at mababaw sa pagkilatis sa masalimuot na puwersang pampolitikang nakasalalay sa mga pangyayari. Ang tesis ni Renato Constantino ay tinuligsa’t inuyam ni Joaquin: “All this sounds ike an egghead effort to make Marxist boots out of Philippine bakya” (1977, 86). Nagkabuhol-buhol ang ulirat ni Joaquin sa pagpuntirya niya laban sa karakter at asal ni Bonifacio, Hindi ang karakter ng indibidwal kundi ang sapin-saping langkay ng mga kontradiksiyon sa lipunan ang dapat suriin sapagkat iyon ang nagpapakilos sa katangian ng mga kolektibong puwersang humuhubog at nagpapaikot sa takbo ng kasaysayan.
Mula noon, marami nang sumalungat sa mapagkunwaring pagpupugay nina Agoncillo at Joaquin sa “Dakilang Plebeyo.” Ang mahusay na tugon at pagpapabulaan sa haka-haka nina Joaquin at mga maka-ilustrado ay ang sanaysay nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnacion at Ramon Villegas, pinamagatang “Andres Bonifacio and the 1896 Revolution.” Katugma nila ang mahayap na hatol ni Apolinario Mabini sa La Revolucion Filipina: ” Palibhasa’y paglabag ang ginawa ni Aguinaldo sa panuto ng Katipunan na kinasapian niya, …ang motibo sa asasinasyon ay walang iba kundi mga hinanakit at mga kapasiyahang sumira sa dangal ng Heneral; sa anu’t anuman, ang krimeng naganap ay siyang unang tagumpay ng ambisyong personal laban sa wagas na patriyotismo” (Salin ko mula sa Ingles; sinalin din ni Cruz 1922, 57-58; Ingles ni Leon Ma. Guerrero sa Mabini 1969, p. 48).

Bilang katugunan sa mga pagkutya sa karakter ng Supremo, kadalasan gumagamit ng empirisistikong analisis ng uring kinabilangan ng Supremo. Idinidiin na sastre ang ama at trabahador sa pabrika ng tabako ang ina. Bukod sa artisanong nagbenta ng baston, ang Supremo ay nagsilbing ahente ng mga kalakal sa Fleming & Company (Ingles) at bodeguero sa Fressel & Co. (Aleman). Sa palagay ko, upang matarok kung anong mga sangkap ang humulma sa pangitain-sa-mundo (Weltanschauung) ng Supremo at mga kapanalig, dapat isakonteksto ang mga detalyeng nabanggit, kalakip ang mga karanasan sa Teatro Porvenir sa Tundo at pansandaling paglahok sa Cuerpo de Compromisarios at masoneria, sa isang takdang yugto ng kasaysayan ng kolonya.
G10 3rd Modyul1_version2.docx (1)
1) Ang pagwasak ng ilusyon ng egemonya ng Espanya at Simbahan sa tagumpay at pagsakop sa Maynila ng Inglatera noong 1762-64. Sumiklab noon ang mga rebelyon nina Silang, Malong, Almazan at Palaris sa hilagang Luzon. Sa unang bahagi ng ika-18 dantaon, sa buntot ng rebolusyon sa Pransiya at digmaan ng imperador Napoleon sa buong Europa, nayanig muli ang ibuong ideolohiya/istruktura ng estado’t simbahang Espanyol sa mga madugong pagbabalikwas sa Piddig at Sarat, Ilokos, noong 1807. Nasakop ni Napoleon ang Espanya noong 1808-14. Nag-protesta sina Andres Novales at mga creoles noong 1823. Sumunod ang masidhing pag-aalsa ni Apolinario de la Cruz/Hermano Pule noong 1839-41 sa Tayabas, Batangas, Laguna at karatig-lunsod. Resulta nito: Nadurog ang pangkahalatang konsensus na mabuti’t makatarungan ang gobyerno’t simbahan. Tuluyang napawi ang “ethical totality” (sa kataga ni Hegel) o paniniwalang iisa ang kabutihan/tadhana ng kolonisadong mayorya at estado.
2) Sa pagbubukas ng kapuluan sa kalakalang-pandaigdig simula 1834, bumilis ang pagpasok ng komoditi–ang kultura’t gawi ng mga dayuhang negosyante–at ideya’t estilo ng pamumuhay na kaiba o tiwali sa namamayaning gawi, kostumbre, pamantayan. Pumasok ang mga ideolohiya ng reporma sa Inglatera noong 1832, ng 1848 himagsikan sa Europa, laluna ang mga tunggalian para sa independensiya sa Argentina, Bolivia, Peru, Venezuela, Mexico at Cuba (simula pa noong 1868).
Bukod sa impluwensiya ng kulturang komersiyal at pananalapi ng Fleming & Co. at Fressel & Co. sa Supremo, tumalab ang lundo ng kamalayang makabago’t mapagbago–ang sensibilidad/dalumat ng panahon–sa nakararami. Ang sagisag-panulat ng Supremo, “May Pag-asa, ” ay hudyat ng hikayat ng kamalayang pangkasaysayang sinagap sa mga akda nina Marcelo del Pilar, Rizal, at mga librong Le Juif errant, Les Miserables, at Las Ruinas de Palmira.
Tcc Quill Inception Magazine August
Sa paglagom, lumaganap na sa kapuluan ang patnubay ng modernidad batay sa mabisang lohikang umaalalay sa siyensiya, kalakal at palitang pampinansiyal (money exchange), kontra sa dogmatikong institusyon ng relihiyon at gayuma ng mito, hiwaga at samot-saring pamahiin.
3) Pumutok ang Paris Commune (Marso-Mayo 1871). Sanhi sa nagkabungguang sigalot, nagtagumpay ang liberalismong pangkat sa Espanya noong 1873-75 at inilunsad ang republikanong 1812 Konstitusyon ng Cadiz. Nagkaroon ng kaluwagan sa administrasyon ni Gob. Carlos Maria de la Torre. Subalit nang sumabog ang Cavite Mutiny ng 1872 (siyam na taong gulang ang Supremo noon) at patayin ang tatlong pareng Burgos, Gomez at Zamora, unti-unting naagnas ang paniwalang makabuluhan pa ang reporma.

Nang ipatapon si Rizal ni Gob. Despujol noong Hulyo 1892, bunyag na ang katotohanang kahit mapayapang pagsisikap maisaayos ang katiwaliang umiiral–buhat pa nang* supilin si Sulayman sa Tundo hanggang sa pagsunog ng mga tirahan ng pesante sa Calamba noong 1891–ay wala nang katuturan. Hinog na ang katotohanang nasambit ni Rizal: “Ang sagot sa dahas ay dahas din, kung bingi sa katwiran.”
Pdf) Araling Panlipunan 10 Isyu At Hamong Panlipunan Panimula At Gabay Na Tanong
Pagkahawan ng madawag na landas sa kasaysayan, bumalik tayo sa naimungkahi kong maitatanging layong natamo ni Bonifacio. Walang iba kundi ang pagtatampok sa halaga ng ideolohiya at namumunong ahensiya/aktor (vanguard party) sa rebolusyon. Bagamat importante ang modo ng produksiyon sa tingin nina Marx and Engels, ang tagisan ng lumang institusyon/relasyong sosyal at ng sumisibol na lakas sa produksiyon ay naisisiwalat muna sa larangan ng kaisipan, saloobin, atitudo, o normatibong sukatan. Dito lumilitaw ang nakakubling tunggalian ng mga uri at pwersang pampolitika.
Angkop ang huwarang inilahad ni Engels sa Peasant War sa Alemanya noong 1524-25, panahon ng Repormasyong Protestante. Kahalintulad noon ang sitwasyon sa Pilipinas noong 1892-1898. Sa halip na kapitalistang/burgesyang partido laban sa piyudal/kolonyalistang kapangyarihan ng Espanya, nagsanib ang pesante, maliit na maylupa, ilang ilustradong malapit sa magsasaka, trabahador, negosyante

Tidak ada komentar