Si Imelda Marcos (ipinanganak na Imelda Remedios Visitacion Romualdez noong 2 Hulyo 1929) ay isang Pilipinong politiko, at naging Unang Ginang ng Pilipinas sa loob ng 21 na taon ng ika-10 Pangulo Pilipinas na si Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986. Si Imelda Marcos ay kadalasang naaalala sa buong mundo para sa kanyang pagpapasasang pamumuhay
Kabilang sa sinasabing magandang pamumuhay ni Imelda ay ang kanyang koleksiyon ng higit sa isang libong mga pares ng mga mamahaling sapatos.
Natatanging Kagandahan At Lakas title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTbxTOG4FhE05Ki44ScGehYRA4j2PbKY6zZRpji2Coz9M1tD7XgbszV-pkaTnW9scjU--4&usqp=CAU'; />
Si Imelda ay isinilang noong 2 Hulyo 1929 sa Ospital ng San Juan de Dios sa Intramuros, Maynila. Siya ang panganay na anak nina Vicente Lopez Romualdez (apo ng prayle na si Don Francisco Lopez na mula sa Granada, EspaƱa) at Remedios Trinidad ng Baliwag, ang ikalawang asawa ng nabalo na si Vicente. Bininyagan siya noong ika-3 ng Hulyo 1929, sa simbahan ng San Miguel sa Maynila. Taglay ni Imelda ang kanyang opisyal na pangalang Remedios na mula sa pangalan ng kanyang ina, at ang Visitacion bilang paggunita sa araw ng pagdalaw ni Santa Isabel sa kanyang pinsang si Birheng Maria. Ang mag-asawang Vicente at Remedios ay nabiyayaan pa ng limang anak: sina Benjamin, Alita, Alfredo, Armando at Conchita. Sa takdang panahon, si Imelda ay nagsimulang mag-aral sa Holy Ghost College sa Maynila. Sa pagdami ng kanilang mga anak, unti-unting nakaranas ng paghihikahos ang mag-asawang Vicente at Remedios. Sa paglaki ng mga anak ni Vicente sa una nitong asawa, lalong lumawak ang puwang na namamagitan sa kanila. Sa edad na 18, si Imelda ay naging Miss Leyte at Rose of Tacloban. Siya rin ay ginawaran ng pamagat na Muse of Manila ng alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson pagkatapos niyang magprotesta sa kanyang pagkatalo sa patimpalak na Miss Manila. Ginugol ni Imelda ang kanyang kabataan sa Distrito ng San Miguel sa Maynila. Pagkatapos mamatay ng kanyang ina ninoong 1938, ang pamilya Romualdez ay bumalik sa Leyte. Sila ay may taniman ng niyog at abaca doon na ibinigay ng ina ng kanyang ama. Si Imelda ay nagtapos ng batsilyer na degree sa St. Paul's College sa Tacloban. Bumalik siya sa Maynila noong 1950 at nakitira sa kanyang pinsang si Daniel Romualdez. Noong 1953, nakilala ni Imelda ang kinatawan ng Ilocos Norte na si Ferdinand Marcos. Pagkatapos ng 11 araw ng pagliligawan sa Baguio ay nagpakasal sila noong Mayo nang taong iyon sa San Miguel Pro-Cathedral sa San Miguel, Maynila.
Panahon Ng Bagong Lipunan
Noong Disyembre 1965, ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos ay nahalal na ikasampung Pangulo ng Pilipinas at si Imelda Marcos ay naging unang ginang ng Pilipinas. Si Imelda ay malawakang itinanghal sa mga lokal at internasyonal na media gayundin sa mga artikulo ng magasin. Noong Hulyo 1966, nang dumalaw ang Beaes sa Pilipinas para sa isang konsiyerto, inanyayahan sila ni Imelda na dumalo sa isang pagtanggap na pang-agahan sa Malakanyang.
Ito ay magalang na tinanggihan ni Brian Epstein sa ngalan ng grupo dahil hindi kailanman naging patakaran ng pangkat na tumanggap ng mga paanyayang opisyal.
Pagkatapos na isahimpapawid sa telebisyon at radyo sa Pilipinas ang hindi pagpapaunlak ng grupo kay Imelda Marcos, ang lahat ng kanilang bantay na pulis ay biglang naglaho. Kinailangan ng grupo at kanilang entourage na pumunta sa Manila airport sa kanilang sarili. Sa airport nang ang road manager ng grupo ay binugbog at pinagsisipa at ang mga kasapi ng banda ay pinagtutulak ng mga galit na tao.
Major 18 Yunit 1
Ayon kay John Lennon, Kung kami ay babalik [sa Pilipinas], ito ay kasama ng isang H-bomb. Hindi na ako lilipad sa lugar.
Noong 1969, si Ferdinand Marcos ay muling nahalal na pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na taon na termino. Gayunpaman, noong 23 Setyembre 1972, illegal na idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Si Imelda Marcos ay magkaroon ng makapangyarihang papel sa pamahalaan ng kanyang asawa. Siya ay hinirang ng kanyang asawa sa iba't ibang mga posisyon gaya ng Gobernadora ng Kalakhang Maynila, Ministro ng Paninirahan, at Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary. Noong 7 Disyembre 1972, tinangkang saksakin at patayin ni Carlito Dimahilig si Imelda Marcos gamit ang bolo sa entablado sa isang paggawad ng mga gantimpala para sa pagpapagandang sibiko na isinahimpapawid ng live sa telebisyon. Si Dimahilig ay binaril at pinatay ng mga bantay na pulis. Si Imelda ay sinasabing nagtamo ng 75 pagtahi sa kanyang mga kamay at braso. Noong 1978, inihalal si Marcos bilang isa sa 165 kasapi ng Pansalamantalang Batasang Pambansa, kung saan nagsilbi siyang kinatawan para sa Pambansang Punong Rehiyon. Pinasimulan ni Imelda ang ilang mga palatuntunan gaya ng Rebolusyong Lunti na humikayat sa mga mamamayan na magtanim ng mga gulay at prutas sa kanilang mga hardin gaya ng malunggay, bayabas, papaya at avocado at pagpaplano ng pamilya upang mabawasan ang populasyon ng bansa. Noong panahon ng mga baha sa Sentral Luzon noong 1972, ang mga bag na naglalaman ng mga nutribun na isang tinapay na may mataas na bitamina at may gatas na inimbento ng USAID ay tinatakan ng Courtesy(galing kay) Imelda Marcos-Tulungan project bagaman isa itong donasyon ng ahensiya ng Estados Unidos na USAID para sa mga nasalanta ng baha ayon kay Nancy Dammann Communications Media Advisor ng USAID sa 17 taon.
![]()
Noong mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng kanin.
Masterfile Let Reviewer Edited
Ipinatayo ni Imelda at kanyang asawa ang iba't ibang mga gusali sa Pilipinas na Cultural Center of the Philippines (noong 1966), Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (1974), Philippine Heart Center (1975), Coconut Palace (1978), Philippine Children's Medical Center (1979), Lung Center of the Philippines (1981), Sentrong Pampelikula ng Maynila (1981) at National Kidney and Transplant Institute (1983). Ang pagpapatayo ng mga gusaling ito ay sinasabing pinondohan mula sa pangungutang sa dayuhan ng kanyang asawa.
Bilang isang natatanging Envoy (sugo), nakalakbay si Imelda Marcos sa Tsina, ang Unyong Sobyet, ang Gitnang Silangan, Libya, Yugoslabya, Kuba at iba pa. Sinasabing upang pangatwiranan ang kanyang gastos na multimilyon sa paglalakbay kasama ang isang malaking diplomatikong entourage gamit ang mga pribadong diyet, kanyang kalaunang inangkin ang kanyang mga tagumpay na diplomatiko kabilang ang pagtatamo ng isang murang suplay ng langis mula sa Tsina at Libya at paglalagda ng Kasunduang Tripoli. Ayon sa mga kableng inilabas ng Wikileaks, nagngangalit ang mga ngipin ng mga opisyal ng protokolo ng Estados Unidos sa tuwing bumibisita sa Estados Unidos si Imelda. Ayon sa kanila, si Imelda ay simpleng dumadating ng hindi nag-aanunsiyo o hindi nagbibigay alam at pagkatapos ay humihiling ng mga mahihirap na bagay at nanghihimasok sa mga delikadong bagay. Ayon din sa mga cable, si Imelda ay itinuring ng mga opisyal ng Estados Unidos na isang peste sa halip na isang bisita.
![]()
Isinaad ng embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas na si William Sullivan na walang paanyaya kay Imelda sa inaugurasyon ni Jimmy Carter na salungat sa inulat ng kinokontrol ng pamahalaang media. Ayon din kay Sullivan, tinangka ni Imelda na anyayahin ang kanyang sarili sa inaugurasyon ni Richard Nixon noong 1968 at sa dedikasyon ng Sydney Opera House kung saan sinikap ni Imelda na talbugan ang Reyna.
Fashion Pulis: Blast From The Past: Imelda With The Former President Ferdinand Marcos
Noong panahon ng Rebolusyong EDSA ng 1986, pinatalsik bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos at napilitang lumikas patungo sa Hawaii ang kaniyang pamila. Matapos nito, inilagay si Corazon Aquino bilang Pangulo. Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang Marcos sa Palasyo ng Malakanyang nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol, 508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1, 060 pares ng sapatos.
Inutos ni Pangulong Aquino na ang mga malaking koleksiyon ng mga sapatos, damit at sining ng pamilya Marcos ay itanghal sa Malacanang Palace bilang halimbawa ng korupsiyon at kaluhuan ng rehimeng Marcos.
![]()
Si Imelda Marcos at ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos at mga crony ay inakusahan ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar mula sa kabang yaman ng Pilipinas.
Xiao Time, 2 July 2013: Ang Lihim Na Kwento Ni Imelda Marcos
Minsang sinambit ni Imelda Marcos na, Ako ay ipinanganak na mapagpasikat. Kanilang itatala ang aking pangalan sa diksiyonaryo balang araw. Kanilang gagamitin ang Imeldific upang pakahulugang mapagpasikat na kaluhuan.
Noong 1985, ang halos 60% ng populasyon ng Pilipinas ay nasa ilalim ng linya ng kahirapan o subsob na subsob sa kahirapan.

Nang mapatalsik ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986, ang Pilipinas ay lubog sa utang na pandayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar.
Imelda Marcos To Celebrate Birthday In MalacaƱang
Nang maluklok na Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa isang
Tidak ada komentar