Ngayong umaga ika-11 ng Enero, may nabasa akong artikulo, “10 Ways Introverts Interact Differently With the World” isinulat ni Alena Hall galing sa
Tungkol sa mga taong introvert at kung papaano sila makipag-ugnayan sa kanilang mga nakakasalimuha. Ang artikulo na ito ay nagsasaad ng mga senaryo na nagpapakita ng mga paraan kung paano sila namumuhay sa pang-arawaraw na kaganapan. Pagkatapos kong basahin ang artikulo ay napagtanto at napatunayan ko na ako nga may katangian ng isang taong introvert. Natural na bagay sa akin ang mag-ubos ng oras kahit na mag-isa o makihalubilo lang sa maliit na grupo, gumawa ng gawain ng paisa-isa at ubusin ang oras sa masinsinang paggawa ng desisyon at pag-resolba ng mga problema. Masaya akong kasama lalo na sa mga lakaran at kahit simpleng pagsasalo lang pero karamihan ng mga panahon ay hindi ako naiinip na manatili sa bahay dahil mas gusto kong manood ng teleserye, magbasa ng libro at gumawa ng mga libangang niyayari sa kamay. Ang pagkakaroon ko ng sariling oras ay nakakatulong upang malasap ang mga bagay na paborito kong gawin. Minsan nakakakonsensya na mas gusto kong manatili sa bahay kaysa maglibang at magsaya kasama ang mga kaibigan ko. Pero t’wing bakasyon lagi akong nakikipagkita sa mga kaibigan ko at nakikitulog sa kanilang bahay. Madalas din naman na bigla nalang akong aayaw sa aming mga plano at nagdadahilan na hindi ako pinayagan ng aking magulang. Sa aking palagay hindi naman masyadong ka-grabe ang aking pagiging intorvert. May mga ilan lang katangian na aking naihahalintulad sa aking paguugali.
Sa kabilang dako, ipinaliwanag ng may-akda na mas pinipili ng mga taong introvert ang mag-isip ng mabuti bago magbitiw ng mga salita. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga taong introvert ay mabuting taga-pakinig at taga-payo. Pagdating sa pakikipagusap mas nais kong maging taga-pakinig at magbigay ng mga payo at mas interesado ako sa masinsinang pagkikipag-usap kaysa sa kaswal na paguusap. Maraming nakakapansin na tahimik ako at medyo mahiyain sa unang pagkikita. Kapag may nakakakita saakin ay ngumingiti lang ako at minsan hihintayin ko na sila ang kumausap sa akin. Mas nais kong makilala ang tao na nakakasalamuha ko bago ko sila kaibiganin. Natatakot din kasi akong mahusgahan ng mga tao sa aking pagsasalita kaya kung minsan kahit may nais akong sabihin ay binabalewala ko nalamang. Kapag ako ay tahimik mas nagiging mapagmasid ako sa aking paligid. Lagi kong ginagamit ang oras na suruin ang aking mga naiisip bago ko ito ipahayag. Pero sinusubukan kong maging mas bukas at makihalubilo sa tao t’wing may pagtitipon. Sa aking palagay, kahit ako ay medyo isang introvert ay magaling naman akong makihalubilo sa tao at nasisigurado ko na nagugustuhan nila ako. Nangangailangan ng panahon na maging komportable ako na makipag-usap sa tao. Sa katunayan ang mga tao na aking nakikilala ay ang unang nakikipag-usap sa akin dahil naoobserbahan nila na ako ay pala-kaibigan at pala-ngiti.
Pagpapagaling Sa Isip, Katawan, At Kaluluwa: Ang Aming Holistic Meth Addiction Treatment Center
Ayon din sa artikulo, kapag ang taong introvert ay nasa isang parti, lagi silang tumatayo malapit sa labasan. At dahil dito, napagtanto ko na t’wing ako ay nasa parti mas nais kong tumayo sa gilid ng pintuan para maka-alis agad kapag hindi na ako komportable sa ingay at dami ng tao. Mas masaya ako kapag dumadalo ako sa isang maliit na party kaysa sa malaking pagsasalo at mas nakikihalubilo ako sa mga tao at madalas ako ang unang nakikipag-usap. Halos lahat nga din ng aking mga kaibigan ay may pagkakaparehas sa personalidad. Tahimik sa una pero pagkalaon ay mas mainggay pa sa serena ng ambulansya at kung magtawanan ay parang wala ng bukas. Totoo nga naman ang kasabihan na “Birds with the same feather flocks together.” Kaya kung minsan mas gusto ko na mas maliit ang grupo ng aking mga kaibigan at lahat kami ay nagkakasundo kaysa magkaroon ng maraming kaibigan pero mga hindi totoo. Siguro iyon din yung nag-udyok sa akin na mas gusto kong kilalanin ang bawat tao na aking nakakasalamuha bago ko kaibiganin at pagkatiwalaan. Madami na rin akong karanasan sa pagkakaroon ng iba’t-ibang klase ng kaibigan.
Ang pagbabasa ng artikulong ito ay nagbigay atensyon sa akin dahil naihahambing ko ang aking personalidad sa mga halimbawa at sitwasyon na ibinigay ng may-akda. Marami akong natutunan at naunawaan tungkol sa aking sarili. Ito ay lubos na nakatulong sa aking pakikipag-interaksyon sa mga tao sa aking paligid at t’wing ibinabahagi ko ang artikulo na ito sa iba kong kaibigan ay nalalaman kong pareparehas kami ng mga karanasan.
This morning, I read an article, “10 Ways Introverts Interact Differently With The World, ” by Alena Hall from HuffPost. The article consists of scenarios that show the way introverts respond to life’s everyday occurrences. Reading the article made me realize I certainly am an introvert person. I
Ano Ang Katangian? Halimbawa At Kahulugan
Naturally prefer spending time alone or in a small group, delving deeply into one task each and taking my time when it comes to making decisions and solving problems. I can be fun to be with, but most of the time, I do not really feel bored staying at home if needed because I prefer watching TV, reading books and doing arts and crafts. I have no qualms about being alone, doing my favorite hobbies. Having my own time to take care of my inner self helps me recharge while enjoying an activity I really enjoy and appreciate. I feel guilty if I want to spend time alone instead of doing things with friends. During vacation, I always see my friends and even sleepover their houses and spend quality with them. We love going to amusement parks, karaoke, roadtrips and even having picnic at the beach.
When it comes to conversation, I prefer to listen than to talk, and I am more engaged in deeper conversations than small talks. The writer describes that introverts think first before they speak instead of thinking out loud, which is common to extroverts. This explains why I always choose to be just the listener. I may seem shy and quiet because of this attitude, but it only means that when I speak, I want to take time to acknowledge my thoughts before I share them. Also, when I am quiet, I become more observant of my surrounding. I will just smile and will remain quiet unless a person will talk to me. I don’t want to make it awkward during a gathering or conversation, but I always try to be more open and sociable to people. As an introvert, I socialize pretty well. It just takes time to be comfortable for me to talk to someone new. In fact, the people I meet approach me first because they always think I am very friendly and considerate. The article also states, “When surrounded by people, they locate themselves close to an exit.” Now I understand that whenever I attend a social party I am likely to sit beside a door, so I can always go outside if I can’t stand a large crowd especially the noise.
Reading this article has caught my attention because I can compare my personality to the examples that the author has given and explained. I have learned about myself even more through reading this article. I finally can understand why and how I interact with other people. I have shared this article to my friends, we learned that we have the same experiences.
Tidak ada komentar