Ang KILUSANG PAGBABAGO-METRO MANILA DU30 MOVEMENT o KP-MMDM ay isang pang masang organisasyon na nagsusulong ng KILUSANG PAGBABAGO na militante ang tipo. Kung gayon, suriin natin ang nararapat na katangian ng isang mahusay na lider-masa para sa ating kilusan.
A. Walang ipinanganak na isang mahusay na lider ng militanteng kilusang masa; lumilitaw ang mahusay na lider sa proseso ng praktika at maigting na pakikibaka.
Isang Lider - Katangian Ng Isang Magaling Na Lider Liderato Katwiran At Kagitingan title=Talumpati Tungkol Sa Katangian NG Isang Lider style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTXKAwb-0KXSFpFn4a1LN88J1y2_oLIvJgCHKe_nCtx0VKtAApF4Qbj7MBNvuVO3ToxqbA&usqp=CAU'; />
Lumilitaw at napapanday sila sa apoy ng mga pangmasang pakikibaka–silang mga may pinakamarurubdob na hangaring magsilbi sa masang api, pinakamatatapat sa simulain, pinakamasisigasig sa paggawa at pinakaseryosong matuto sa pamamaraan ng pamumuno sa masa.
A Multisectoral Approach To Addressing Women's Barriers To Family Planning: How The Apc Project Did It In Uganda • Knowledge Success
Yaon namang hindi nakaaangkop at nakasasabay sa tempo ng pagsulong, mga hindi makatugon sa mga napapanahong panawagan at dumaraming mga tungkulin, at mga simpleng hindi mapangibabawan ang makikitid na pansariling interes at mabuway ang hangaring maglingkod sa masa – ay napag-iiwanan, nadadapa at naliligaw ng daan.
Sa ganitong mga pagkakataon, walang ibang tagapaghusga kung sino ang tunay at di-tunay na mga lider ng masa – kundi ang malawak na masa. Huhusga ang masa batay sa tindig, galaw at salita ng mga umaaktong namumuno sa kanila.
B. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Lider Sa burges at pyudal na pamantayan ng pagpili ng mga lider, ipinapanguna ang mga sumusunod: mataas ang pinag-aralan; may katungkulan sa burges na gubyerno ( opisyal ng barangay, atbp; at may kaya sa buhay. Pero pinatunayan na ng karanasan na hindi ang mga ito ang dapat na pamantayan. Ang ilang mga naging lider na ganito ay siya pang unang tumiklop sa gitna ng pakikibaka.
Halalan, Pag Asa Ng Bayan: Ang De Kalidad Na Lider Ng Bayan Ayon Sa Ilang Mamamayan Ng Laguna
Kaya ano ang dapat na susing pamantayan? Iyong mga matatatag manindigan para sa interes ng masang api at pinagsasamantalahan, di natatakot humarap sa kaaway sa uri, masisigasig sa pagkilos para sa pagbabago, at handang magsakripisyo alang-alang sa interes ng masa, sa kilusan at ng bayan.
1. Laging ipinagpapanguna ang interes ng mas malawak na kabuuan ng mamamayan, ng kilusan, at ipinapailalim dito ang pansariling interes at kapakanan. Nakahandang magsakripisyo alang-alang sa interes na malawak na masa, prestihiyo at kaligtasan ng kilusang masa, at para sa pagsulong ng kabuuang pakikibaka.
2. Puno ng kasigasigang kumilos para itaguyod ang mga interes at kapakanan ng malawak na masa. Hindi nagiging sagka ang mga kaunting suliranin, limitasyon sa katawan, suliraning pampersonal, at pananakot at pambubulabog ng mga kaaway sa uri upang gampanan ang mga tungkuling nakaatang. Para sa kanya, ang pag-aktibo sa kilusang masa ay hindi lamang isinisingit kung walang gaanong gawain sa bukid at okasyong pampamilya. Tinitiyak nito na laging may makabuluhang panahong ginugugol niya sa pagkilos sa bawat araw at bawat linggo, at ang mga sagabal sa pagkilos niya na sumusulpot ay kanyang nireresolbahan. Sinusunggaban ang lahat ng panahon at lugar upang mapabilis at higit pang maging produktibo ang paggampan ng mga gawain. Hindi nagkakasya sa mga nakasanayang paraan ng paggawa; tuluy-tuloy na nagpapaunlad ng paraan ng paggawa upang lalo pang sumulong ang mga gawain.
Mabisang & Inspirational Leadership Quotes Para Sa Iyo
3. Masigasig sa pag-aaral sa ibat ibang usapin sa prinsipyo, kasaysayan, kasalukuyang mga pangyayari sa ekonomya, pulitika. Pinagsisikapan niya ito sa pamamagitan ng masiglang pagdalo sa mga pag-aaral, pagbabasa ng mga dokumento, pagsubaybay sa mga pinakahuling pangyayari, atbp. Hindi nagiging sagka ang kasalatan niya ng “mataas na pinag-aralan” para magawa ito.
4. Laging nagsisikap para sa pagkakaisa ng mga mamamayan at ng buong kilusan. Iniiwasan ang mga gawa at hakbang na nakasisira sa pagkakaisang ito. Aktibong tinutunggali ang mga gawa at hakbang ng iba na mapanghati at o di kaya’y nagdedemoralisa sa masang kasapi at nagbubunsod ng di pagkakaisa.

5. Laging nagpapaunlad ng mga kakayahan. Nagsisikap na matutunan ang ibat ibang linya ng gawain at hindi lamang nagkakasya sa mga dati nang linyang alam at kakayahan.
Ano Ang Mga Katangian Ng Isang Leader?
6. Lumulubog at nakikisalamuha sa malawak na masa. Pana-panahong kinokunsulta ang kasapian ng organisasyon at mga karaniwang mamamayan. Pinakikinggan at kinokonsidera ang mga opinion ng iba laluna ang mga kaiba ang palagay, nakikipag-aralan sa kanila, natututong makipagsalubungan sa layuning magkaisa. Nagpapakabihasa sa demokratikong istilo ng pamumuno. Iwinawaksi ang kumandismo.
7. Hangga’t pinahihintulutan ng kalagayan ay pinangungunahan ang paggampan ng ibat ibang gawain hanggang sa sityo at purok, ipinakikita at itinuturo sa pinakamaraming bilang kung paano ang tama, mas angkop at mas epektibo at higit na mas mabungang paraan ng paggawa. Iwinawaksi ang burukratismo.

8. Huwaran sa disiplina, mulat na laging binabaka ang anumang impluwensyang burges at pyudal sa sarili at sa mga kasama. Iniiwasan ang mga bisyo at gawing nakakasira sa prestihiyo ng kilusan, katulad ng laging pag-iinom, pagsusugal, pambababae, atbp.
University Of Miami Stamps Scholarship 2024
Para sa inyo mga kaDDS, ano ang maidadagdag ninyo pang mabuting katangian ng isang lider? Comment na po! Huwag kalimutang i-like at i-share. Salamat.

Tidak ada komentar