Social Items

Kalangitan at Bituin Kabigha-bighaning Mundo ng mga Bituin sa Gabi

Biyernes ng gabi noon. Biglang umulan at dama ko hindi lamang ang bawat pagpatak ng ambon kundi pintig ng puso kong pagal, tulad ng pagkislap ng mga umaandap na bituin sa langit, pahina ng pahina, pawala ng pawala. Ngunit hindi gaya ng mga tala na lumilitaw at naglalaho, nanatili pa rin ang patuloy na tumitibok kong puso. Hindi ko maintindihan. 

Paglingon ko sa kalsada, sumagi sa isip ko na nasa lungsod pala ako. Malayo sa aking kinagisnan. Nagtatayugang mga gusali. Maiingay na himig. Mausok. Hindi ko matanaw ang mga makukulay na tuldok na pumupuno sa madilim na kalangitan ng gabi.

Bakit

. Iisa lang naman ang kalangitan hindi ba? Sa lawak nito na pumapainlang sa buong mundo, maaari kayang nasa iba na akong daigdig? Nasaan na ang mga bituing pumupuno sa  madilim na gabi? Nasaan na ang tumitibok na bagay na hindi ko maisantabi?

Mga Akdang Pampanitikan Sa Tuluyan

Maaari tama nga ang sabi nila. Masyado nang maraming ilaw sa siyudad. Sa sobrang dami, ikinubli na nito ang kinang ng mga bituin. Baka naman kaya ay nanimdim na rin ang mismong mga bituin kaya lumitaw na lang silang purong itim sa atin.

Kung kayang sipatin ng tao ang ilaw na nagawa ng siyudad, pwede rin kayang silipin ang ilaw ng mga maliliit na tuldok na ito? Itinatago ng mga ulap. Pag-ikot ng mundo. Hatak ng iba’t ibang puwersa ng kalawakan. Iyan ay maaaring mga salik na makakaapekto sa tingkad ng mga bituin. Higit sa lahat, nasa mga mata ng tumitingin ang ilaw ng bituin na hinahanap.

Masyado na kasing puno ang mga tagalungsod ng mga “ilaw, ” mga liwanag na hindi tumitingkad dahil sa dilim kundi kumikislap kasabay ng iba pang liwanag. Masyado nang pangkaraniwan. Hindi tulad ng mga bituin, bagamat maliliit lumilitaw ang angking tanglaw sa dilim. 

Tula Ng Pag Ibig

Gusto kong bumalik sa dati. Gusto kong bumalik sa amin. Sa tuwing titingala ako mararamdaman ko na ilang libong kumikinang na tuldok ang dumudungaw mula sa kalangitan para tingnan ako. Gusto kong bumalik sa panahong isa rin ako sa kanila, na kumikislap sa gitna ng gabi. Hindi tulad ngayon na masyado nang maraming kumikislap. 

Kumbaga sa puso, gusto kong balikan kung paano tumitindi ang iisang damdamin ng walang tigil, na organikong umuusbong at bukal na lumalaon.

Sa

Hindi gaya ngayon, sa sobrang daming nadarama na umaalis at lumilitaw, hindi ko mabatid kung nasaan na ang ilaw na dati kong tunay kong nararamdaman. 

Hal Aiktashafat Tghaluji

Sana dumating ang panahon na muli akong kuminang muli sa matiwasay na gabi at hindi kasabay ng mga bagay na walang namang tunay na kislap, mga damdaming wala namang tunay na kahulugan.

Hinihintay ko ang panahong mananatili akong umiilaw ng matingkad sa gitna ng kadiliman, hindi umaandap-andap tulad ng puso kong naguguluhan kundi isang tuldok na bagamat maliit ay tinitingala, pinagmamasdan, patuloy na nagniningning at nagbibigay-liwanag.Bata pa lang ako, may kakaiba nang dating sa akin ang mga bituin. Tuwing maglalaro ako sa gabi, ang dahilan kung bakit hindi ako natatakot sa buwan at sa dilim ay dahil sa mga bituin. Marami sila, masayang nagkikislapan, at mula sa langit ay parang tinatawag ako at gustong makipaglaro sa akin.

Aralin

Hindi na nila ako tinatawag para makipaglaro, hindi na. Matanda na ako para makipaglaro. Ngayon parang lagi silang nariyan para ipaalala sa aking patuloy lang na mangarap. Pero hindi tulad ng pangako ng pakikipaglaro, lungkot minsan ang nadarama ko kapag tinitingala ko sila. Kapag tinitingala ko ang mga bituin, may hatid silang lungkot at saya. Ang sarap nilang pagmasdan, abutin, kahit alam mong hindi mo ito kayang gawin.

Kabihasnan Ng Tao

Masyado silang malayo. At kung mahulog man, pangarap lang din ang hatid. Hindi sila pwedeng pulutin at itago. Nahuhulog silang hindi tulad ng ulan mula sa langit hanggang sa bubong, mula sa bubong papunta sa alulod hanggang sa kamay ng nais mabasa.

Sa isang talumpati ni Lourd de Veyra dati, may nabanggit siyang tula tungkol sa mga bituin. Isinulat ang tula ni Jose F. Lacaba.

Bituin

Literal na mabaho ang tula, malayung-malayo sa konsepto ko ng mga bituin: dalisay, marikit, kabigha-bighani. Pero may isang nais sabihin ang tula na hindi ko magawang hindi pansinin. Ipinapaalala nito na ang hiwaga at kapangyarihan ng bituin ay wala sa bituin mismo, kundi sa tumitingin. At minsan, baka ang bituin pa ang dahilan kung bakit hindi nakakikita ang nabibighani sa kanya.

Tesis K 12 Mga Akda Weekly

Ganoon pa rin ang tingin ko sa mga bituin. Maituturing ko pa rin namang kalaro ang mga bituin kung nanaisin kong maging bata ulit, o tumingala para pagmasdan sila at mangarap. Hinding-hindi mawawala sa akin ang hila ng mga bituin sa langit.

Pero hindi tulad ng persona sa tula, hindi ako magpapabulag sa mga bituin. Hihiramin ko ang mga ito sa langit, itatago, at pagsisikapang baliktarin ang trahedya sa tula. Walang matatalisod sa tae ng kalabaw dahil sabay naming titingnan ang landas na daraanan namin.

Pagpapahayag

Show comments
Hide comments

Tidak ada komentar