Home | Balita | Mga Pinoy sa Tsina | Blogs | Tsina't ASEAN|Chinese Roots | Tsinaistik | Pag-aaral ng Wikang Tsino| Dating Programa | Video
Sa ngayon, patuloy na lumalakas ang katayuan ng middle class ng Tsina. Kakabit nito ang pagtaas din ng kanilang kakayahan upang magbiyahe sa labas ng bansa, bumili ng mga mamahalin at eksotik na bagay, katulad ng mga produktong mula sa mga hayop, at iba pa. Dahil dito, unti-unting tumaas ang bilang ng mga mangangaso sa Aprika at iba pang panig ng daigdig na humuhuli ng mga elepante, rhinoceros, leon, etc., upang sila ay gamitin bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga mamahaling bagay na gaya ng sapatos, bag, dekorasyon, at alahas.
Hayop Isang Pagmumuni Muni title=Ang Kagubatan style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRI5huApdACQApALdLMk4qOoB-nl5xYFJD4jCfZ7xSIagP6E9TdW4bX9IHPwhAPCKLPCZU&usqp=CAU'; />
Gayunpaman, dahil sa tulong ng ibat-ibang sektor ng lipunan, mga NGO, pamahalaan, at ilang mga Tsino na nag-aalay ng panahon at pawis upang mapangalagaan ang mga yamang gubat na ito, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari. At iyan po ang magiging sentro ng ating paksa ngayong gabi.
Paano Itrato Ng Tama Ang Mga Hayop?
Maging ilan po sa mga malalaking personahe sa Tsina, katulad ni Li Yuchun, isa sa pinakakilalang pop singers ay bumisita sa ilang konserbatoryo ng kalikasan sa Kenya noong mga unang dako ng Oktubre upang pataasin ang kamalayan ng mga mamamayang Tsino hinggil sa pangangalaga ng mga hayop na ito.
Si Yao Ming din ay nagtungo sa Kenya noong Setyembre upang suportahan ang kampanyang ito. Ipinangako niyang ipapalaganap sa mga Tsino, na ang pagbili ng mga produkto mula sa mga nanganganib na maubos na mga hayop ay di-katanggap-tanggap.
Sabi pa ni Yao, kaming mga Tsino ay siguradong magagalit kapag may pumatay ng aming mga Panda. Kaya, dapat lamang na mag-aalala kami sa kalagayan ng mga elepante, rhinoceros, at leon sa Aprika.
Finchresearch/tagaloguanaco · Datasets At Hugging Face
Bukod po sa mga nabanggit naming personahe, mayroon pa pong isang tao na ibinubuhos ang kanyang lakas, enerhiya, at panahon sa pangangalaga ng mga hayop na ito. Siya ay si Zhuo Qiang na kilala rin sa tawag na Simba, na nangangahulugang leon sa wikang Swahili.
Siya ang nagtayo ng Mara Conservation Fund, at nagpasimula ng kanyang sariling grupong pamatrolya noong 2011. Ang kanyang intensyon ay protektahan ang mga leon at iba pang mga hayop sa Masai Mara Nature Reserve ng Kenya. Magmula noon, maraming mga mayayamang Tsino sa kanyang mga pagsisikap sumuprota sa kanyang adhikain.
Si Zhuo ay ipinanganak noong 1973, siya ay dating empleyado ng isang lokal na pamahalaan at may magandang katayuan sa lipunan. Noong taong 2004, edad treinta 'y uno (31) anyos, una siyang bumisita sa Aprika at magmula noon, nagbago na ang takbo ng kanyang buhay.
Mga Aral Mula Sa Sagradong Kakayuhan
Aniya pa, giving up all those things appeared insane to my parents and my wife. Napakahirap daw para sa kanyang pamilya na maintindihan kung gaano kaimportante sa para sa kanya ang pangangalaga sa mga hayop.
Si Zhuo ay kasalukuyang nakatira sa Masai Mara Nature Reserve Park. Ang kanyang mga naipon at panaka-nakang donasyon mula sa mga mabubuting loob ang bumubuhay sa kanyang grupong pamatrolya na binubuo ng mga lokal na mamamayan. Maliban sa kanyang walang suweldong araw-araw na pamamatrolya, mayroon pa siyang bagong misyon —— ito ay ang pagpapalaganap ng impormasyon upang itaas ang kamalayan ng mga bumibisitang Tsino sa Aprika at kanyang mga kababayan sa mainland hinggil sa pangangalaga sa mga hayop na ito.
Kailangan aniyang malaman ng mga Tsino kung gaano kagrabe ang situwasyon ng mga hayop dito sa Aprika. Kailangan nilang huminto sa pagbili ng mga produktong gawa sa katawan ng mga hayop na ito, para bumaba ang demand at tuluyang mawala ang pangangaso, aniya pa.
Grade 10 Filipino Las
Pinagbubuhusan ng pansin ni Zhuo ang pagpapataaas ng kamalayan ng mga batang Tsino. Bakit? Una, dahil sila ang magmamana ng hinaharap. Pangalawa, malaki ang kanilang impluwensya sa kanilang mga magulang. Maari nilang sabihin sa kanilang mga magulang na huwag tangkilikin ang mga produktong mula sa mga nanganganib na maubos na mga hayop.
Sa kasalukuyan, ang mga kabataang Tsino ay may mas magandang edukasyon at naiintindihan nila na dapat protektahan at pangalagaan ang kalikasan, dagdag pa ni Zhuo. Gumagamit din si Zhuo ng online social networks para isapubliko ang kanyang mga mithiin.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1, 000 estudyante sa kolehiyo mula sa mahigit 300 unibersidad sa Tsina ang sumusuporta sa programa. Aniya pa, iyong mga nagpapakita ng matinding dedikasyon at determinasyon ay binibigyan niya ng pagkakataon na makabisita sa Masai Mara Nature Reserve Park upang personal nilang makita ang mga pagsisikap na ginagawa ng kanyang grupo.
Aralin I Elec 3 2 19 21 Pdf
Ayon naman kay Ge Liwen, bagong gradweyt at responsable sa pangangalap ng mga bagong miyembro ng grupo ni Zhuo sa Tsina, tumaas ang kamalayan ng mga bansang gaya ng Kenya at South Africa hinggil sa pangangalaga ng kalikasan at mga hayop na naninirahan dito. Pero, simula pa lamang aniya ito, malayo pa ang dapat na lakbayin upang matamo ang kanilang mithiin.
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Service. Nasa tabi niyo ako lagi.

Wala & At Iba Pang Tula Ni E. San Juan, Jr.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo . Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
Tidak ada komentar