Social Items

Heneral Luna Paglalakbay sa Likas na Katangian ng Bayani

Heneral Luna Paglalakbay sa Likas na Katangian ng Bayani

Ang pamagat ng pelikula ay Heneral Luna. Ang pelikulang ito ay ayon sa kasaysayan ng ating bansa. Ilan sa mga bumuo ng iskrip ay sina Henry Francia, E.A. Rocha at Jerrold Tarog. Ito ay sa direksyon ni Jerrold Tarog. Ang mga tauhan ay sina John Arcilla bilang Antonio Lauana, Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo, Aaron Villaflor bilang Joven Hernando, Jeffrey Quizon bilang Apolinario Mabini, Paulo Avelino bilang Gregorio del Pilar, Joem  Bascon bilang Paco Roman, Archie Alemania bilang Eduardo Rusca, Arthur Acuña bilang Manuel Bernal at Alex Vincent Medina bilang Jose Bernal.

“Bayan o sarili, mamili ka.” Umiikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at kung paano lumaban at sumuong sa suliranin ang mga kapwa natin Pilipino upang hindi tuluyang masakop ng mga dayuhan at makamit ang soberanya.Umikot din ang daloy ng istorya sa tema ng disiplinang nakatatak sa karakter ng bayaning si Luna. Sinalamin ng pelikula kung paano niya pinamahalaan ang mga Pilipinong sundalo upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa bansa at matupad ang kanilang hangaring makamit ang pangmatagalang kalayaang hinahangad ng sambayanan. Bukod pa rito, detalyado ring inilarawan sa pelikula ang mga suliraning kaakibat ng mga hangaring ito. Isa na rito ang hindi maiwasang pagpili ng maraming Pilipino sa pansarili nilang kapakanan kaysa ikabubuti ng buong bayan. Dito pumapasok ang ideya ng matinding pagkiling sa sariling pamilya at mga karatig na rehiyon ng Pilipinas ng ilang mga Pilipino kaysa sa bansang kanilang pinagmulan na naging balakid sa pagkamit ng nasyonalismo noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang mga katangiang nakatatak pa rin sa lipunan maging sa kasalukuyan. Sakripisyo sa bayan at disiplina – ang mga katangiang ito ang nagsilbing pundasyon ng pelikula sa paglalarawan sa kahusayan ng bayaning si Luna. Kilala si Luna bilang isang mahigpit na heneral na may malaking pagpapahalaga sa disiplina. Naisadiwa ng pelikula ang mga katangian ni Luna sa pamamagitan ng paglalarawan ng ilang eksenang hango sa kanyang karanasan noong panahon ng digmaan.

RebyuBayani title=Rebyu Ng Pelikulang “Heneral Luna” style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSbGUDRhIP5sxlgAwaUm6KcOBUowehKEHU6kTppdEHdDtVMlJMWNo1JYuGhb_3ibY4YeMY&usqp=CAU'; />

“Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili, ” Isa lamang ito sa mga linyang tumatak sa manunuod. Matagal nang usapan sa ating bansa kung sino nga ba ang dahilan sa kabila ng pagkamatay ni Heneral Luna. Maraming nagsabi na si Presidente Emilio Aguinaldo ang nagpautos na ipapatay ito kagay ng nangyari kay Andres Bonifacio. Ang pagtatraydor ng magkakaapatid sa bansa ay tila naging dahilan upang mas lalo mapabagal ang ating pag-unlad.

Rebyu Ng Pelikulang “heneral Luna”

 Isa sa mga katangian ng pelikula na nais ipabatid sa manunuod ay ang pagiging isang tunay na Pilipino sa puso maging sa gawa. Makikita dito ang nasyonalismo ni Heneral Luna dahil sa hangad niyang bumuo ng isang matatag na bansa. Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwento ng nasyonalismo na natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Dito nabuo ang pagbabalik-tanaw sa ilang piling pangyayari sa buhay ni Luna bilang pinuno ng militar na may paninindigan sa batas at pagpapataw ng disiplina.  Nalampasan ni Tarog ang hamong isalaysay ang komplikadong buhay ni Luna at ipaalam sa mga manonood ang kabayanihang ipinamalas niya noong panahon ng digmaang pambansa.

Hindi naging madali para sa mga producer at direktor ang paglalarawan sa mga pangyayari sa bawat bahagi ng buhay ng naturang bayani. Punong-puno ang pelikula ng mga masasalimuot na eksena bunsod ng walang humpay na giyera’t labanang kinaharap ni Luna.  Dumanas din ang heneral ng ‘di mabilang na tama ng bala at saksak ng bolo bago mabawian ng buhay. May karahasan man, paliwanag ni Eddie Rocha, producer, “toned down” na ang paglalarawang ito sa pelikula kung ihalilintulad sa iba pang karanasang kinasadlakan ng kapita-pitagang bayani ng lahi.

Naging mabigat man ang imahe ng pelikula dahil sa mga masalimuot na eksena, hindi pa rin naisantabi ni Tarog ang makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang nakahahalakhak na pangyayari sa istorya. Nilapatan ng kaunting katatawanan ang ilang eksena upang maalis ang tensyon mula sa mabibigat na pangyayari tulad ng eksena sa tren na naging komedya dahil sa kulang-kulang na Ingles ni Luna at ng kanyang mga kasamahan. Maayos ding nagampanan ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay sa kani-kanilang mga karakter, alinsunod na rin sa hinihingi ng direktor at manuskrito ng kwento, na mahigit labing-walong taon nang nag-aantay na mailimbag sa pinilakang tabing.Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena sa pelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay ng nasabing obra at makapaghatid ng mensahe sa mga manonood. Inilalarawan nito ang kahalagahan ng disiplina sa isang bayan, pagkiling sa ideya ng isang matatag na nasyon, at katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sariling buhay para sa ikabubuti ng buong lahing Pilipino. Iiwanan nitong mapaiisip ang mga manonood kung hanggang saan nga ba ang kaya nilang ibuwis para sa bayan at kung sino ang tunay na bayani ng ating lahi.Ang totoong kaaway ng mga Pilipino ay ang sarili niya. Isinusuka ko ang digmaan pero ang kompromiso, mag-bubulag bulagan ba tayo sa digmaan? Iba ba tayo sa kanila? Wala ba tayong karapatang mabuhay ng malaya? Walang naka-aangat sa batas, kahit na Presidente. Ganito ba talaga ang tadhana natin — kalaban ng kalaban (at) kakampi ng kakampi? Nakakapagod na. Kung pag-papalaya sa mga traydor ang pagiging pulitika, ayokong maging bahagi niyan. Alam mong hindi mamumulat ang diwa ng mga Pilipino kung walang mag-sasakripisyo para sa bayan. Mas magandang mamatay sa digmaan kaysa tanggapin ang pamumuno ng dayuhan.

-

Ano Ang Mga Opinyon Ninyo Kay Heneral Luna

Iilan lamang ang mga katagang iyan na nabitawan sa pelikulang Heneral Luna. Kakaiba. Katangi-tangi. Kakila-kilabot. Napakahusay na nagawang isakatuparan ang pag-sasapelikula ng makasaysayang buhay ng isa sa mga itinuturing na bayani ng Pilipinas, si Heneral Antonio Luna.

Napakagaling ng aktor na si John Arcillas dahil nagawa niyang gampanan ng maayos ang karakter ni Luna. Bagamat nabansagang “hambog” si Luna, batay sa mga librong inihahain sa mga mag-aaral sa bansa, naipakita naman ang tunay at malinis na adhikain ng heneral para sa lahat. Nakatutuwang nabigyang halaga ang katapangan ni Luna upang ipag-laban ang kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhan.

DOC)

Kung hindi siya pinatay ng pataksil — binaril at initak ng mahigit 30 bese — ng kapwa niya Pilipino, siguro nga’y natamo na ng Pilipinas ang hangad nitong kasarinlan. Kung natuto lang manindigan ang mga Pilipino, hindi siguro tayo nag-mimistulang alipin ng mga dayuhan.

Brainliest Ko Maka Sagot Nito​

Tama nga ang heneral, ang kaaway nga ng Pilipino ay ang sarili niya. Kung sanang kaya lang daigin ng isang Pilipino ang takot at pangamba na kanyang nararamdaman, siguro’y asensado pa rin ang ating bansa ngayo at hindi na tayo muli pang dedepende sa ibang karatig bansa, gaya na lamang ng Amerika.

-

Nawa’y makagawa pa ang direktor na si Jerrold Tarog, gayundin ang iba pang mga direktor, ng pelikula o mga pelikulang nag-papakita ng kagitingang nagawa ng ating mga ninuno para sa ating Inang Bayan.

Ang ganitong klase ng pelikula ang dapat na tangkilikin higit sa ano pa mang makabagong tema na ang tanging hangarin ay bahiran ng pangit na pananaw ang isipan ng mga tao.

-

Q4 Wk3 Aralin 3 Fil10

Tama nga ang heneral, ang kaaway nga ng Pilipino ay ang sarili niya. Kung sanang kaya lang daigin ng isang Pilipino ang takot at pangamba na kanyang nararamdaman, siguro’y asensado pa rin ang ating bansa ngayo at hindi na tayo muli pang dedepende sa ibang karatig bansa, gaya na lamang ng Amerika.

-

Nawa’y makagawa pa ang direktor na si Jerrold Tarog, gayundin ang iba pang mga direktor, ng pelikula o mga pelikulang nag-papakita ng kagitingang nagawa ng ating mga ninuno para sa ating Inang Bayan.

Ang ganitong klase ng pelikula ang dapat na tangkilikin higit sa ano pa mang makabagong tema na ang tanging hangarin ay bahiran ng pangit na pananaw ang isipan ng mga tao.

-

Q4 Wk3 Aralin 3 Fil10

Show comments
Hide comments

Tidak ada komentar