Binigyan ni Jehova si Haring Solomon ng isang pusong may karunungan; ang panahon ng paghahari ni Solomon ang pinakamasagana at pinakamapayapang yugto sa kasaysayan ng sinaunang Israel
ANO kaya ang magiging kalagayan kung ang buong bansa at ang tagapamahala nito ay nagpapasakop sa soberanya ni Jehova at sumusunod sa Kaniyang mga kautusan? Ang sagot ay makikita sa pamamahala ni Haring Solomon sa loob ng 40 taon.
Karakter At Gawi Ng Isang Hari title=Ang Karunungan Ni Solomon style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT3ePFETHoGVSl4Iuh2vkHgWAgZ0IpVBfzsrj6kR-54U2DsOx3j2DOPl3XkNzgLfNqvec8&usqp=CAU'; />
Bago mamatay si David, inatasan niya ang kaniyang anak na si Solomon bilang kaniyang kahalili. Sa isang panaginip, tinanong ng Diyos si Solomon kung ano ang kahilingan nito. Humiling si Solomon ng karunungan at kaalaman para makapamahala sa bayan nang may katalinuhan at katarungan. Natuwa si Jehova sa kahilingan ni Solomon kaya binigyan niya ito ng pusong may karunungan at kaunawaan. Nangako rin si Jehova na bibigyan siya ng kayamanan, kaluwalhatian, at mahabang buhay kung mananatili siyang masunurin.
Isang Templo Para Kay Jehova — Watchtower Online Library
Nakilala si Solomon dahil sa kaniyang karunungan sa paghatol. Sa isang kasong idinulog sa kaniya, isang sanggol na lalaki ang pinag-aawayan ng dalawang babae. Pareho nilang inaangkin na sila ang ina nito. Kaya iniutos ni Solomon na hatiin ang sanggol at bigyan ng tig-kalahati ang dalawang babae. Pumayag ang unang babae, pero agad na nagmakaawa ang tunay na ina at sinabing ibigay na lamang sa unang babae ang sanggol. Alam na ngayon ni Solomon na ang nagmamakaawang babae ang tunay na ina, kaya dito niya ibinigay ang sanggol. Napabalita agad sa buong Israel ang hatol na ito, at napatunayan nilang galing sa Diyos ang karunungan ni Solomon.
Ang isa sa pinakadakilang nagawa ni Solomon ay ang pagtatayo ng templo ni Jehova—isang kamangha-manghang gusali sa Jerusalem na nagsilbing sentro ng pagsamba sa Israel. Noong pasinayaan ang templo, nanalangin si Solomon: “Narito! Sa mga langit, oo, sa langit ng mga langit, ay hindi ka magkasya; gaano pa kaya sa bahay na ito na aking itinayo!”—1 Hari 8:27.
Nakilala si Solomon hanggang sa malalayong lupain, gaya ng Sheba sa Arabia. Pinuntahan pa nga ng reyna ng Sheba si Solomon upang makita mismo ang kaluwalhatian at kayamanan ng hari at para mapatunayan kung gaano talaga ito karunong. Hangang-hanga ang reyna sa karunungan ni Solomon at sa kasaganaan ng Israel, anupat pinapurihan ng reyna si Jehova dahil sa paghirang sa gayong matalinong hari. Sa katunayan, dahil sa pagpapala ni Jehova, ang panahon ng pamamahala ni Solomon ang pinakamasagana at pinakamapayapang yugto sa kasaysayan ng sinaunang Israel.
Si Haring Solomon
Nakalulungkot, hindi nagpatuloy si Solomon sa pagkilos na kaayon ng karunungan ni Jehova. Nilabag niya ang utos ng Diyos at nag-asawa siya ng daan-daang babae, na marami ay sumasamba sa mga diyos-diyosan. Dahil sa impluwensiya ng kaniyang mga asawa, unti-unting lumayo ang kaniyang puso kay Jehova at sumamba siya sa mga diyos-diyosan. Sinabi ni Jehova kay Solomon na aalisin sa kaniya ang malaking bahagi ng kaharian. Sinabi ng Diyos na may matitira pa ring maliit na bahagi sa pamilya ni Solomon, alang-alang sa pangako Niya sa ama nitong si David. Bagaman hindi nanatiling tapat si Solomon sa Diyos, nanatili pa ring tapat si Jehova sa Kaniyang tipan kay David para sa isang kaharian.ANO ang kahulugan para sa iyo ng pagkilala kay Jehova? Bukod sa ibang mga bagay, ito’y mangangahulugan ng pagkasumpong ng kasagutan sa isang katanungan na nagiging palaisipan sa bilyun-bilyon: ‘Bakit ako naririto?’ Marahil ay may mga pagkakataong napag-isipan mo na iyan. Isang matalinong hari na nagtaglay ng mga kayamanang higit “kaysa sa lahat ng iba pang hari sa lupa” noong kaniyang kapanahunan ang gumawa ng pagsasaliksik sa katanungang iyan hinggil sa kahulugan ng buhay. (2 Cronica 9:22; Eclesiastes 2:1-13) Ang haring ito, si Solomon, ay nagtaglay ng malaking kapangyarihan, saganang kayamanan, at walang kaparis na karunungan. Ano ang naging resulta ng kaniyang pagsasaliksik? “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.” (Eclesiastes 12:13) Yamang ang karanasan ni Solomon ay nakahihigit kaysa karamihan ng tao, ang kaniyang konklusyon ay karapat-dapat sa ating pagsasaalang-alang.—Eclesiastes 2:12.
2 Ang tinukoy ni Solomon na pagkatakot sa Diyos ay hindi isang malagim na pagkatakot sa isang di-kilalang espiritung puwersa. Sa halip, ito ay isang mabuting pagkatakot na hindi mapaluguran ang isa na pinakamamahal mo. Kung mahal na mahal mo ang isang tao, tiyak na nais mong paluguran ang taong iyon sa lahat ng panahon at iiwasan ang paggawa ng anuman na makasasakit sa kaniya. Habang natututuhan mong mahalin si Jehova, gayundin ang madarama mo tungkol sa kaniya.
3 Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya, matututuhan mo ang tungkol sa mga gusto at di-gusto ng ating Maylalang pati na ang kaniyang layunin ng paglalang sa lupa. Sa paglalarawan kay Jehova bilang ang “Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito, ” tinatawag din siya ng Bibliya na “Siya na nagtatag nito nang matibay, na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan.” (Isaias 45:18) Inihanda ni Jehova ang lupa upang tahanan ng mga tao, na siyang mangangalaga sa lupa at sa lahat ng mga nilalang na naririto. (Genesis 1:28) Subalit iyon lamang ba ang layunin ni Jehova sa paglalang sa tao—upang maging mga katiwala?
Haring Solomon: Paano Maging Isang Bigo Ang Isang Kaya?
4 Hindi, may mas mahalaga pang layunin. Ang unang tao, si Adan, ay may makabuluhang relasyon kay Jehova. Maaaring makipag-usap nang tuwiran si Adan sa Maylalang. Maaari niyang kapuwa pakinggan ang sinasabi ng Diyos at ipahayag kay Jehova kung ano ang kaniyang iniisip. (Genesis 1:28-30; 3:8-13, 16-19; Gawa 17:26-28) Kaya, si Adan at ang kaniyang asawang si Eva ay nagkaroon ng isang malaking pagkakataon upang higit na makilala si Jehova at magkaroon ng isang mas malapit na kaugnayan sa kaniya. Ang pagkakilala kay Jehova at pagtulad sa kaniya ay nagpangyari sana na maging kasiya-siya ang kanilang buhay, sapagkat siya ang “maligayang Diyos.” (1 Timoteo 1:11) Bilang ang Diyos na “naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan, ” inilagay ni Jehova ang unang tao sa isang paraiso na tinatawag na hardin ng Eden, taglay ang pag-asang mabuhay magpakailanman.—1 Timoteo 6:17; Genesis 2:8, 9, 16, 17.

5 Magpakailanman? Maaaring hindi mo pansinin ang ideya ng pagkakaroon ng buhay na walang-hanggan dahil sa pagiging kakatwa, subalit gayon nga ba? Ang mga siyentipiko ay naniniwala na mayroon na sila ngayong kaunawaan sa mga dahilan ng pagtanda ng mga selula. Ang mga piraso ng henetikong materyal na tinatawag na mga
Ay nagiging maikli sa tuwing nahahati ang isang selula. Pagkatapos ng 50 hanggang 100 paghahati ng mga selula, ang mga telomere ay nasisira, at ang karamihan sa mga selula ay humihinto na sa paghahati. Gayunman, ang mga natuklasan ng siyensiya kamakailan, ay nagpapakita na sa tulong ng isang

Mga Mapanglikhang Pamamaraan Ng Pagaaral Ng Biblia
Ang mga selula ng tao ay maaaring patuloy na mahati-hati nang walang katapusan. Bagaman ang natuklasang ito ay hindi nangangahulugan na ginagawang posible ni Jehova ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng partikular na enzyme na ito, isang bagay ang ipinahihiwatig nito: Ang ideya ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay hindi kakatwa!
6 Oo, kapani-paniwala ang ulat ng Bibliya na nagpapakitang ang unang mag-asawang tao ay nilalang upang mabuhay magpakailanman. Ang relasyon ng mga tao kay Jehova ay nilayon na lumago nang walang katapusan. Nilayon na kanilang mapaunlad ang isang matibay na bigkis sa kanilang makalangit na Ama, anupat lubusang nababatid ang kaniyang layunin para sa mga tao sa lupa at isinasakatuparan ito. Ang kanilang buhay ay hindi magiging nakababagot. Sina Adan at Eva ay may kamangha-manghang pag-asa na punuin ang lupa ng maliligaya at sakdal na mga supling. Sila sana’y nagkaroon ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na gawain magpakailanman. Tunay nga na iyon ay isang kasiya-siyang buhay!—Genesis 1:28.

Tidak ada komentar