Galit na galit ang diyosang si Hera mula nang nalaman niya na ang diyosang si Leto ay buntis sa asawang si Zeus.
Hindi na alam ni Leto kung saan siya puwedeng manganak. Nagpalibu't-libo't siya ng mahabang panahon. Sobrang sumasakit na ang kanyang tiyan dahil malapit na nga itong manganak. Naghahanap pa siya ng puwedeng panganakan hanggang sa nakita niya ang lumulutang na isla ng Delos at dahil hindi ito sa lupa, ibig sabihin hindi ito sakop ng pagbabawal ng reyna ng mga diyos. Kaya doon ay nakapanganak din si Leto. Laking gulat niya dahil hindi lang isa kundi dalawa ang kanyang mga sanggol. Ang unang ipinanganak ay si Artemis pagkatapos ay sumunod si Apollo. Si Apollo ay guwapo at blond ang buhok, perpektong kawangis ng araw. Samantalang Si Artemis ay may maputlang balat at itim na buhok. Kahawig ng buwan ang kanyang madilim na buhok. Sinisimbolo ng gabi sa paligid niya. Nang mabalitaan ng diyosang si Hera ang tungkol sa mga anak ni Leto ay nagalit ito. Pinadala niya ang ahas na python para patayin ang kambal. Ang diyosang si Leto ay nagsimulang magpagala-gala sa mundo, tumatakbo palayo sa ahas. Minsan noong sila ng kanyang mga sanggol ay nauuhaw, may natagpuan silang isang maliit na lagoon sa kanilang landas, at sa gilid may mga bastos na taga- bukid nagsisigaw at pinagbabawalan silang uminom mula dito. Pinigilan siyang makainom, dinumihan nila ang tubig gamit ang kanilang mga paa para maging putik. Galit na si Leto, ginawa niya silang mga palaka at sinumpang habang buhay silang iiyak sa paligid ng lagoon. Nang lumaki na ang mga batang diyos ay binigyan sila ni Zeus ng napakamakapangyarihang arko na ginawa para sa kanila ni Hephaestus. Laking tuwa ni Artemis sa handog ng kanyang ama dahil hilig niya talaga ang mangaso. Ito ang nais niyang gawin sa buong buhay niya, ang maging diyosa ng pangangaso Si Apollo gamit ang makapangyarihang arko, ang nais niya lamang ay paghihiganti sa ahas na nagpapahirap sa kanyang ina ng mahabang panahon. Sinabihan siya ni Zeus kung saan nalalagi ang ahas. Siya'y pumunta doon para patayin ang ahas. Ang halimaw na ito ay nagkukubli sa isang yungib na malapit sa Mount Parnassus. Inulukan ni Apollo ang ahas sa pinagtataguan nito. Agresibong lumabas ang python mula sa kanyang lungga at nais sakmalin ang kanyang kalaban. Hinanap ni Apollo kung nasaan ang kahinaan ng malaking ahas at tiwala sya sa kanyang sarili. Gamit ang tatlong pana lang, tinamaan ang mata at dibdib ng halimaw. Napatay niya ang ahas at sa tuktok ng bangkay nito, pinahayag ni Apollo na magtatayo ng isang sagradong templo para sa kanyang karangalan. Ang lugar na iyon kalaunan ay kilala bilang ang Oracle of Delphi.
ATHENA Si Zeus na pinuno ng mga diyos ay napaibig sa isang napakagandang titanya na si Metis, ang diyosa ng karunungan at kahinahunan. Sinubukang iwasan ni Metis si Zeus gamit ang lahat ng kanyang makakaya. Dahil sa mayroon siyang kapangyarihan ng metamorphosis, nagawang magbago ang diyosa bilang iba-ibang hayop para lang makawala kay Zeus. Ngunit hindi niya magawang makatakas kay Zeus kahit anong gawin niya. Sinunggaban siya ni Zeus at kinuha siya bilang kanyang asawa. Mabilis siyang nabuntis at tiyak na manganganak ng isang napakagandang diyos. Gayunpaman, may nagpaalala kay Zeus ng isang propesiya na Kung ang magiging anak nila ni Metis ay babae ito ay magiging katuwang niya, ngunit pag ito naman ay lalaki ay maalisan siya nito ng tungkulin, katulad ng pag-alis niya ng tungkulin sa ama niyang si Cronus. Ikinatakot ni Zeus ang posibilidad na harapin ang parehong kapalaran ng kanyang ama na si Titan Cronus at sa kanyang lolo na si Uranus n
Pdf) Ang Aking Limang Katangian Ng Kabayanihan
MEDUSA Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego . Gayunpaman, hindi siya dating halimaw. Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang kagandahan. Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit saan man sya magpunta. Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura, s i Medusa ay inosente, malinis at dalisay. Dahil hinahangaan niya ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae sa templo ni Athena. Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan para sa posisyong ito. Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at sobrang napakaganda niya kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na pumupunta lamang sa templo upang hangaan at makita ang taglay niyang ganda. Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit sa kanya dahil sa kanyang kaga
POSEIDON Si Poseidon, ang panginoon at diyos ng karagatan ay isa sa pinakatanyag at iginagalang na diyos na Olympian. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno Sa pamamagitan ng loterya, ibinigay kay Poseidon ang pamamahala sa karagatan na dati ay kontrolado ng mga sinaunang diyos na sina Nereus at Oceanus. Kahit na siya ay may isang puwesto sa Olympian Council of Gods, mas ginusto ni Poseidon manirahan sa kanyang kaharian sa karagatan. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Ang diyos ng karagatan ay mayroong kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. M ayroon siyang isang ginintuang karong pandigma na hinihila ng mga nakakamanghang mga hayop pandagat. Sa likuran niya ay may mahabang prusisyon ng mga nilalang sa dagat at sakop din niya ang ilang diyos dito. Siya rin ang panginoon ng mga
HESTIA Si Hestia, ang diyosa ng apoy at protektor ng tahanan. Siya ay anak na babae nina Cronus at Rhea. Si Hestia ay hindi gaanong kilalang diyos sa labindalawang diyos na Olympian. Noong siya’y ipinanganak, nilamon siya ng kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid dahil ang titanong si Cronus ay n atatakot na baka agawin nila ang kapangyarihan nito. Matapos magtagumpay ang mga diyos ng Olympian sa labanan nila ng mga titans, si Hestia ay nagsimulang sambahin bilang protektor na diyosa ng mga tahanan. Ang diyosa ay niligawan nina Apollo at Poseidon ngunit tinanggihan nya silang pareho dahil mayroon siyang panata na kalinisang-puri. Binigyang karangalan ni Zeus ang diyosa at tiniyak na maaari siyang manatiling malinis ng hanggang walang hanggan. Si Hestia ay isang banayad at mabait na diyosa kung k aya’t hindi siya nakisali sa mga matitinding labanan ng mga diyos dahil sa kanyang karakter. Sinasamba ang diyosa ng apoy ng mga tao
Kerstenpateña&vince Jose: March 2020
12 DIYOS AT MGA PANGUNAHING BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO Ang mga Griyego ay maraming mga diyos at maraming mga kuwento at mitolohiya na nakapaligid sa kanila. Ang MITOLOHIYANG GRIYEGO ay koleksyon ng mga kuwento na may kinalaman ang mga diyos, diyosa, at mga bayani. Ito rin ang relihiyon ng Sinaunang Gresya pagkat ang mga Griyego ay nagtayo ng mga templo at naghandog ng mga sakripisyo sa kanilang mga pangunahing diyos. Narito ang ilan sa mga pangunahing Greek Gods: Ang mga Titano Ang mga Titano ang una o nakatatandang diyos. May labindalawa sa mga ito kasama ang mga magulang nina Zeus, Cronus at Rhea. Namahala sila sa tinatawag na golden age. Napabagsak sila ng kanilang mga anak na pinangunahan ni Zeus. Ang mga Olimpyan Ang labindalawang diyos ng Olympian ay ang pangunahing mga diyos ng mga Griyego at nanirahan sa bundok ng Olympus. Sila ang mga sumusunod: Zeus Pinuno ng mga taga-Olympia at diyos ng langit at kidlat. Ang ka
ACHILLES Si Achilles ay isa sa mga pinakadakilang mandirigma at bayani sa Mitolohiyang Griyego. Siya ay isang pangunahing karakter sa Iliad ni Homer kung saan siya ay nakipaglaban sa Digmaang Trojan laban sa lungsod ng Troy. Ang ama ni Achilles ay si Peleus, hari ng Myrmidons, at ang kanyang ina ay si Thetis, isang dyosa ng dagat. Matapos ipanganak si Achilles, nais ng kanyang ina na protektahan siya mula sa mga mapaminsala. Kaya’t hinawakan nya si Achiles sa sakong at inilubog sa ilog Styx. Sa Greek Mythology, ang ilog Styx ay matatagpuan sa Underworld at may mga espesyal na kapangyarihan. Si Achilles ay laging hindi nasasaktan kahit saang bagay maliban sa kanyang sakong kung saan sya hinawakan ng kanyang ina. Dahil si Achilles ay isang kalahating diyos, napakalakas niya kaya sa madaling panahon ay naging isang mahusay na mandirigma. Gayunpaman, siya ay kalahating tao at hindi imortal tulad ng kanyang ina. Tatanda rin siya at mamamatay balang araw at maaari rin siyang mapatay.
HERCULES Si Hercules ay ang pinakadakila sa mga griyegong bayani. Sikat siya sa kanyang hindi kapani-paniwalang lakas, tapang, at katalinuhan. Ang Hercules talaga ay kanyang Roman name. Tinawag siya ng mga Griyego na Heracles. Si Hercules ay isang demigod. Nangangahulugan ito na siya ay kalahating diyos, kalahating tao. Ang kanyang ama ay si Zeus, hari ng mga diyos, at ang kanyang ina ay si Alcmene, isang magandang prinsesa. Kahit no'ng sanggol pa lamang siya, si Hercules ay napakalakas na. Nang malaman ng diyosang si Hera, asawa ni Zeus tungkol kay Hercules, nais niyang patayin ito. Nilagyan niya ng dalawang
Tidak ada komentar